Sabado, Marso 4, 2017

Ang Kababaihan ng Noli Me Tangere


Hi! Ako po si Yushua Amore Nile Montecillo at ginawa ko po ang blog na ito upang mabasa ninyo ang aking mga pananaw ukol sa mga babaeng karakter ng Noli Me Tangere. Ito po ang mga susmusunod na mga tauhan:

Maria Clara - siya ang napakaganda at mahinhin na kasintahan ni Crisostomo Ibarra, masasabi kong ubod siyang minamahal at hinahangaan ng taumbayan dahil sa taglay niyang kagandahan at busilak na puso. Matuturing siyang mabuting halimbawa sa kababaihan noon. Mahahalintulad ito sa mga may magagandang loob sa lipunan kung saan iilan na lang.

Salome - siya ay maganda rin tulad kay Maria Clara, kaakit-akit ang mga mata, maliita ang ilong, at makipot ang bibig. Pero ang nakahihigit doon ay ang kanyang katatagan noong nagpasya siyang manirahan na malayo sa bayan na kasama si Elias, kanyang kasintahan, at noong nagpaalam si Elias sa kanya dahil tinutugis siya ng mga guwardiya sibil. Mahahalintulad ito sa katatagan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga iba't-ibang dayuhan lalo na sa paglalaban para sa kalayaan at kakilanlan ng sariling bansa.

Tiya Isabela - isa siyang relihiyosang babae na nagpupumilit na magdilang-Espanyol ngunit hindi naman nakakayanan. Masasabi kong hindi siya mapagmahal sa kanyang kulturang Pilipino at mas pinapahalagahan niya ang mga Espanyol kaysa mga kalahing Pilipino. Maisasalamin ito sa iba na kinakahiya ang sariling kultura at wika at nahuhumaling sa kulturang banyaga.

Sisa - siya ang ina nila Basilio at Crispin. Mayroon noon siyang bakas ng kagandahan ng kabataan, ngunit dahil na rin sa hinanakit at malimit na pagkagutom, ito ay naglaho at nabago. Sa aking pananaw, ang mga bakas na ito ay nagpapatunay sa kanyang matinding pagmamahal para sa mga anak at sa pagiging matiisin sa kanyang asawa. Tulad sa lipunan natin ngayon, karamihan sa mga matataas na opisyal at sa mga mayayaman ang basta basta nalang nangaabuso sa mga masipag na mga nagtatrabaho sa kanila, at pinipigilan nalang nila ito sa tiis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento